Chapter 4
Chapter 4
NAKAKRUS ang mga braso ni Raine sa harap ng kanyang dibdib habang nakaupo sa pang-isahang sofa at kaharap si Iuhence Vergara na pinapagitnaan nina Tyron at Ymar Stroam na kadarating lang. Kaibigan pala ni Tyron ang dalawa na magkasunod na dumating.
Nalaman niya mula kay Iuhence na darating din ang iba pang kaibigan ni Tyron. Sasama raw kasi ang mga ito sa pag-uwi sa Pangasinan dahil doon magpa-Pasko at magba-Bagong Taon ang mga ito.
Halos walang tulak-kabigin sa tatlo kung kaguwapuhan lang naman ang pag-uusapan, pero hindi niya alam kung bakit nakakalamang si Tyron sa kanyang mga mata.
Maybe it was because of his oh-so-wonderful scent… and eyes. And lips.
Napabuntong-hiniga si Raine sa katahimikang bumabalot sa paligid. “Wala bang magsasalita sa inyong tatlo?” tanong niya mayamaya.
Nag-angat ng tingin si Iuhence mula sa phone nito. “Babe, if you want to hear my voice that badly, all you have to do is ask.”
Itinirik ni Raine ang mga mata. “You are not my type.”
“I perfectly know that. I saw the smudge, remember?” nakangising sabi ni Iuhence at kinindatan siya pagkatapos.
“What smudge?” inosenteng tanong ni Ymar na pinagpapalit-palit ang tingin sa kanya at kay Iuhence.
Wala itong alam sa paghahalikan nila ni Tyron. And as much as possible, she wanted to keep it that way. Pero talagang tsismoso si Iuhence at ibinuka nito ang bibig para magkuwento.
“You see, my dear friend...” Inakbayan ni Iuhence si Ymar. “Tyron and his parents’ visitor, Raine—” He motioned his hand at her. “They kissed.”
Nanlaki ang mga mata ni Ymar, halata ang gulat sa mga iyon. Nakaawang din ang bibig nito. “What the hell, man?” Hindi ito makapaniwalang tumingin kay Tyron at sa kanya. Pagkatapos ay tumuon ang mga mata nito kay Tyron na nakatutok ang mga mata sa sahig na parang nahihiya sa kaalamang naghalikan sila. “Damn, man, I thought you have a girlfriend.”
Bumuga ng marahas na hininga si Tyron. “I do! I have a freaking girlfriend.” He sounded so defensive, so guilty.
“Kung ganoon, bakit kayo naghalikan?” tanong uli ni Ymar.
Bago pa makasagot si Tyron, tumayo si Raine at nagpaalam sa mga ito.
The conversation was getting awkward. Ayaw niyang marinig na pinag-uusapan ng iba ang halik na pinagsaluhan nila ni Tyron. She knew that it was a mistake but it was the best damn mistake of her life. Damn her to the depths of hell, but she won’t deny that she enjoyed the kiss.
Yep. I pretty much enjoyed it.
NAPATINGIN si Tyron sa papalayong bulto ni Raine. Umalis ito sa sala at pumasok sa kanyang silid. The thought of her entering his bedroom awakened the beast between his thighs. No! Hindi niya dapat iyon nararamdaman.
May girlfriend na ako! Fuck it!
Oo pero nakipag-break na siya sa `yo.
Hayun na naman ang boses sa isang bahagi ng isip niya.
“Bakit siya pumasok sa kuwarto mo?” tanong ni Ymar na naguguluhan.
“Bisita siya ng mga magulang ko,” aniya at sumandal sa sofa na parang pagod na pagod, samantalang wala naman siyang ginawa.
I am mentally tired! Damn it!
“Precisely,” ani Ymar. “Ty, may tatlong guest room itong unit mo. Bakit siya pumasok sa silid mo?”
Nagkibit-balikat siya. “I honestly don’t have an answer to that.”
Napapalatak si Iuhence. “The magna cum laude Tyron Zapanta doesn’t have an answer?” Umiling-iling ito. “Man, you are in big trouble.”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “I’m not in trouble.”
“Akala namin may girlfriend ka at anti-infidelity ka. Anong nangyari?” ani Ymar na nakatingin sa kanya. Nagpapasalamat siya dahil walang panghuhusga sa mga mata nito.
“Oo, may girlfriend ako. Tatlong taon na kaming nagde-date ni Careen.” Gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa paghalik kay Raine, pero kahit ganoon, hindi pa rin mawala sa isip niya kung gaano kalambot ang mga labi nito. “Alam kong mali ang ginawa ko kahit pa nga nag-away kami ni Careen at nakipaghiwalay siya sa akin, pero…” I enjoyed it. Fry me in hell but I did enjoy every second of it.
Hindi naituloy ni Tyron ang sasabihin dahil hindi niya kayang aminin sa sarili na talagang niloko niya ang kasintahan dahil siya ang unang humalik kay Raine.
“`Tuloy mo lang ang sasabihin mo, Ty,” nakangising sabi ni Iuhence. “Akala ko ba ayaw mong maging katulad ng daddy mo?”
Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas sa sinabi ng kaibigan. That was the main reason why he believed that a man should only be with one woman. Saksi siya sa sakit na idinulot ng ama sa kanyang ina. He heard her cry and plead to God. At nang makabuntis ang kanyang ama, it was the darkest days of their lives. It took years for his mom to smile again. What happened to his mom scarred him. Kaya naman ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak nang dahil sa kanya.
Alam ni Tyron kung gaano iyon kasakit.
Pero tingnan mo naman ang nangyayari ngayon. He just met Raine and he already penetrated her mouth with his tongue.
`Di ba nga, nakipag-break na sa `yo si Careen? anang boses sa isang bahagi ng isip niya.
Napatigil si Tyron sa pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Si Ymar ang nagbukas ng pinto.
Pumasok sina Train Wolkzbin, Lander Storm, at Calyx Vargaz na mga kaibigan din nila. Nabuo ang pagkakaibigan nila nang mag-aral sa Stanford University. Palibhasa ay pare-parehong may dugong Pinoy kaya nagkagaanan ng loob at hindi na naghiwa-hiwalay.
May mga dalang backpack ang mga kaibigan. Mukhang seryoso ang mga ito na magbabakasyon sa Pangasinan kasama niya.
“Hey, guys,” ani Lander na bahagya pang kumaway. Amerikano ang ama nito at ang ina ay Pilipino kaya naman asul ang mga mata.
“Yow, handsome people,” ani Train at ngumiti. Isa itong half Russian. Ang ina nito ang Filipino.
“Hey,” ani Calyx at umupo sa iniwang upuan ni Raine.
Si Calyx naman ay parehong Pinoy ang mga magulang pero alam niyang may halong banyaga ang dugo nito. Hindi niya lang alam kung ano pero halata sa mukha nito.
Sina Train at Lander ay sa sahig umupo. Ang mga dala nitong bag ay nagkalat sa sala.
Sa kanilang magkakaibigan si Iuhence ang tsismoso at hindi talaga masi-zipper ang bibig kaya kapag may gusto silang malaman, kay Iuhence sila nagtatanong. Before, he liked that attitude of Iuhence, but now, he wanted to sew up his lips together. Ayaw niyang ikuwento nito sa mga kaibigan nila ang tungkol kay Raine.
But to his surprise, Iuhence didn’t say anything. Nanatili itong tahimik, pati na rin si Ymar.
“So, what’s up?” basag ni Lander sa katahimikan at tumingin sa kanya. “Aren’t you gonna offer a drink? A beer or maybe rum?”
“Hindi tayo dapat uminom,” wika ni Ymar habang nakatingin sa pinto ng kuwarto niya.
“At bakit?” tanong ni Train.
“Kasi may bisita si Ty,” ani Iuhence at itinuro ang kanyang silid. “She’s in there. Resting.”
Naghari ang katahimikan sa sala. Tumingin sa pinto ng kanyang silid ang mga kaibigan niya. Nasapo ni Tyron ang ulo dahil bakas sa mukha ng mga ito na hindi makapaniwala na may babae ngayon sa silid niya maliban kay Careen.
“Sino siya?” paanas na tanong ni Train kay Iuhence.
Nagkibit-balikat si Iuhence. “Anak ng ninang niya.”
Itinirik ni Tyron ang mga mata. Bakit ba siya umasa na masi-zipper nito ang bibig? Ang tsismoso, forever nang tsimoso. Just like Iuhence.
“Kung ganoon, bakit siya nasa kuwarto ni Tyron?” puno ng kuryosidad na usisa ni Lander. Ito ang first runner-up sa pagiging tsismoso. Champion si Iuhence.
Itinuro siya ni Iuhence. “Tanungin n’yo si Ty.”
Huminga muna nang malalim si Tyron bago tumayo at tinungo ang kanyang kuwarto. Gusto niyang takasan ang tanong ng mga kaibigan na kahit siya ay hindi alam ang sagot. At gusto lang niyang makausap si Raine. In private. Without the prying eyes and ears of his friends.
Nang makapasok sa kanyang silid, agad niyang nakita ang dalaga na nakahiga sa kama. Nakatihaya ito at nakatingin sa kisame. Kaagad na naglumikot ang kanyang imahinasyon. He and she, between the sheets, sweaty and moaning in pure bliss.
Marahas na napailing si Tyron.
Don’t go there, mind.
Nagpanggap siyang may kukunin sa closet. He was pretending to pull a shirt when he heard Raine speak.
“Bakit?”
Kunot-noong bumaling siya sa dalaga. “Anong ‘bakit?’”
“Bakit mo ako hinalikan kung may girlfriend ka naman pala?” Her voice was flat, emotionless.
Gusto niyang lumabas ng silid para matakasan ang tanong nito, pero hindi niya iyon ginawa. “I didn’t.”
Idiot! Sure you did, anang kanyang isip.
“Okay. I’ll just pretend that the kiss didn’t happen then.”
His mood darkened. He didn’t know why but what Raine said irritated him to the core of his being.
“Just like that?” Puno ng iritasyon ang boses niya.
“Oo.” Bumangon ito sa kama at naglakad palapit sa kanya. Her eyes were cold. Their coldness made him shiver. “Just. Like. That.” Tumigil si Raine sa harap niya at matalim ang mga matang sinalubong ang kanyang mga mata. “You know, Tyron, hindi ka dapat nanghahalik ng babae kung may girlfriend ka. You don’t put your tongue in someone’s mouth when you’re in a relationship.”
“Alam ko `yon.”
“Ows, talaga?”
Sa pagkakataong iyon, halos isang dangkal na lang ang layo ng mga katawan nila. Nararamdaman ni Tyron ang init niyon. Amoy na amoy niya ang mabangong halimuyak ng hininga ni Raine. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mapupulang labi ng dalaga. He was tempted to press his lips against hers, so that was what he did. He let himself succumb to the temptation.
He kissed her… again.
NANG lumapat ang mga labi ni Tyron sa mga labi niya, mariing ipinikit ni Raine ang mga mata para namnamin ang halik nito. Pagkatapos ay umatras siya at binigyan ito ng mag-asawang sampal.
Namilog ang mga mata ng binata na halatang nagulat sa kanyang ginawa. Mukhang hindi nito inaasahan na sasampalin niya ito.
Napahawak si Tyron sa nasaktang pisngi at nanlilisik ang mga matang tinitigan siya. “What the hell?”
“The first slap was for insulting me,” matapang niyang sabi.
“I did?”
Pinanlisikan niya ito ng mga mata. “Yes, you did, moron. At `yong pangalawang sampal, para iyan sa paghalik sa `kin kahit may girlfriend ka.”
Inaasahan na niyang magagalit si Tyron, pero sa halip ay tumawa ito nang may himig ng sarkasmo. “Tapos ka na? O sasampalin mo pa ako?”
Kinunutan niya ito ng noo. Hindi mabasa ni Raine ang nilalaman ng mga mata ng binata na matiim na nakatingin sa kanya. “Ano naman ngayon kung tapos na ako?”
“Kasi kung tapos ka na,” inisang hakbang nito ang pagitan nila, “ako naman.”
Bumaba ang mga labi ni Tyron sa mga labi niya at mariin siyang hinalikan. Napadaing si Raine nang sapilitang ipasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig. Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay ng lalaki na pinipisil ang dibdib niya. Instead of pushing him away, she let him ravish her lips.
She was catching her breath when his lips left her lips and traveled down to her chin… down to her neck… then moved to her ear. He slightly bit her earlobe then licked the sting away.
Pagkatapos ay bumulong ito sa kanyang tainga. “Hindi lang naman ako ang may kasanalan sa halik na pinagsaluhan natin. You contributed, too. I kissed you, you kissed me back. Why is that, Raine? Are you attracted to me?”
Tumawa siya para itago ang kabang nararamdaman. “Ako? Attracted sa `yo? Baka ikaw.”
Binigyang distansiya ni Tyron ang kanilang mga mukha, saka matiim na tumingin sa kanyang mga mata. “Yes, I am attracted to you. I would not have kissed you if I’m not. You lure me with your eyes. You fascinate me through your smile. You lure me with your lips. This…” He captured her lips then quickly pulled away. “… is your entire fault. You captivated me and I can’t uncaptivate myself.”
“I’m attracted to you, too. Hindi naman `yon big deal. Parang crush lang naman `yon, eh,” pag-amin ni Raine.
Tyron froze at her confession, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. “A-ano?” Halata pa rin ang gulat sa mukha nito.
“What are we going to do about it?”
Nang makabawi sa pagkabigla, nagkibit-balikat ang binata. “Let’s just pretend that we aren’t attracted to each other,” anito habang unti-unting lumalapit ang mga labi sa mga labi niya.
“Yeah, mas magiging madali nga `yon,” aniya habang inilalayo ang mukha sa mukha nito.
“Hmm-mm. Much easier.”
Their lips were almost touching. She couldn’t back away because Tyron held her in place.
“Ang dapat mong gawin ngayon ay,” pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito, “pakawalan ako at umalis ka sa silid na `to.”
Hinawakan siya ni Tyron sa baba at itinaas ang kanyang mukha. “Yeah. Dapat kitang pakawalan. Pero may problema ako,” he whispered huskily.
“Ano?”
Oo, may problema!
Ang problema ay hindi siya makahinga nang mabuti dahil napakalapit nito sa kanya.
“I can’t.” He then captured her lips.
That was the last straw of her defense. One kiss from this man melted her not so strong defenses. Yes, she was attracted to him. Hindi niya iyon ikakaila. Pero tama ba na ma-attract siya rito samantalang may girlfriend na ito?
As he deepened the kiss, her mind said yes.
Yes, it was okay to be attracted to Tyron. As long as she won’t fall in love with him. It was okay, right?
Tinugon ni Raine ang mainit nitong halik. Kasabay ng bawat paggalaw ng mga labi niya ay ang pagtali niya sa kanyang puso at paglagay niyon sa hawla. Her heart had to be protected from Tyron’s charm. It had to be safe for a month. Dahil pagkalipas ng isang buwan, babalik na sila sa Canada at hindi na niya ito makikita pa.
She was on a vacation after all. Dapat mag-enjoy siya.
NATATAWANG napakunot-noo si Raine nang makitang bahagyang binuksan ni Tyron ang pinto ng silid nito.
“Bakit mo ginawa iyon?” nagtatakang tanong niya sa binata.
“To let my friends know that we are not doing anything pornographic,” nakangiting sagot nito at bumalik sa pagkakaupo sa kama sa tabi niya.
“Tumawag na ba ang mommy mo?” tanong niya.
As if on cue, Tyron’s phone rang. Nang tingnan nito kung sino ang tumatawag, tumingin ito sa kanya. “It’s mom.”
“Sagutin mo!” utos niya.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Hindi mo ako kailangang sigawan.” Sinagot nito ang tawag. “Hey, Mom.” Mahabang katahimikan ang nagdaan, pagkatapos ay bumadha ang gulat sa mukha ng binata. “What? Mom, what are you thinking? Bakit nauna na kayo d’yan? Paano naman kami?” Pause. “Bakit n’yo nga ginawa `yon? Akala ko ba bukas pa tayo uuwi?” He paused, then he looked at her. “Yeah, Raine is fine.”
Bumuntong-hininga si Tyron, saka iniabot sa kanya ang cell phone. “Mommy mo.”
Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay nito at inilagay iyon sa kanyang tainga.
“Hey, Mom. It’s me, Raine,” aniya.
“Hey, sweetie, how are you?”
“I’m fine, Mom. How about you? Are you okay? Nasaan ka ba?”
“Nandito na ako sa Pangasinan, anak. Nauna na kami sa inyo.”
“Ano?!” Hindi niya mapigilang sumigaw sa sobrang gulat sa sinabi nito. “Mom! Bakit mo naman ako iniwan?” Nabalot ng pag-aalala ang puso niya. “I don’t know anyone here—”
“Oh, silly.” Her mom giggled. “Nand’yan naman si Tyron. Hindi ka niya pababayaan.”
Napatingin siya kay Tyron na walang imik na nakamasid lang sa kanya, pagkatapos ay mabilis siyang nagbaba ng tingin. “M-mom, bakit naman po siya nasama sa usapan natin?” Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ng ina. “Bakit n’yo ba kasi ako iniwan?”
“Because you’re in good hands.” Binuntutan pa nito ng nakakairitang hagikgik ang sinabi. “Ibalik mo ang cell phone kay Tyron, kakausapin ko siya.”
Napipilitang ibinalik niya ang cell phone sa binata. “Gusto ka raw kausapin ni Mommy.”
Tinanggap ni Tyron ang cell phone at inilapit iyon sa tainga nito. “Yes po, Ninang?” Halata sa mukha ng binata na nakikinig ito sa sinasabi ng mommy niya sa kabilang linya. Nang sulyapan siya ng binata, alam ni Raine na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. “Sure, Ninang, ako na po ang bahala.”
Then just like that, he ended the call and said, “Nauna raw sila kasi hindi pa pala ngayon ang dating ni Aunty Neny at excited na raw silang umuwi sa Pangasinan. Kaya naman umuwi sila kanina pagkatapos nilang mag-shopping at tayo na lang daw ang maghihintay kay Aunty Neny.”
“Kailan ba darating ang Aunty Neny mo?”
“Sabi ni Mommy, tatlong araw mula ngayon.”
Napanganga siya. “Tatlong araw mula ngayon? Hell! I’ll spend Christmas with you?”
Naging malamig ang tingin ni Tyron sa kanya. “Ano naman ang masama do’n?”
“Nothing.” Bumuntong-hininga siya. “I just want to spend Christmas with my mom.” She looked into his eyes, pleading. “Wala bang bus na puwedeng sakyan patungo do’n sa Pangasinan? If meron, puwede mo ba akong ihatid sa bus station?”
“Gabi na.”
“Please?” Nag-uumpisa nang manubig ang kanyang mga mata.
“Okay, sure. Ihahatid kita sa bus station. May bus do’n patungo sa Pangasinan, and then from there, you ride a jeep to Pozzorubio and then a tricycle to Barangay Talogtog. Sabihin mo lang sa tricycle driver na sa bahay ng mga Zapanta. Alam na nila `yon.”
Tumango siya. “Salamat.”
“Okay. Tatawagan ko lang si Mommy. Sasabihin ko sa kanya na sa bus ka sasakay.”
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas sila ni Tyron ng silid. Ang mga kaibigan ng binata ay nasa living room at nag-uusap.
When they stepped outside the room, nakatingin sa kanila ang mga ito. They all looked curious and at the same time confused. She felt conscious under their scrutinizing gaze but Tyron wasn’t even a bit affected.
She envied him.
“Guys, ihahatid ko lang si Raine sa bus station—”
“It’s raining cats and dogs out there,” putol ng isang lalaki—na medyo mahaba ang buhok—sa iba pang sasabihin ni Tyron. “At `yong news kanina, may bagyo raw, so, baha ang ibang kalye.”
Nagtatanong ang mga mata na tumingin sa kanya si Tyron. “Aalis ka pa rin kahit may bagyo? Baka stranded ka sa daan. Hindi mo pa naman alam ang pasikot-sikot dito sa Manila at wala kang cell phone.”
Sumama ang mood ni Raine sa sinabi ng binata.
Shit!
Nakakainis naman!
Kung kailan kailangan na kailangan niyang sumunod sa mommy niya, saka naman nagloko ang panahon.
Urgh!
“Matutulog na lang ako.” Bumalik siya sa silid na bagsak ang mga balikat. Mukhang magpa-Pasko talaga siya kasama si Tyron.
No choice.
SINUNDAN lang ng tingin ni Tyron si Raine na nagmasmartsang bumalik sa silid niya. Mukhang gustong-gusto talaga nitong makita agad ang ina. Bakit naman kasi nauna ang mga ito sa kanila?
“Bakit siya aalis?” tanong ni Iuhence. “Teka, nasaan sina Tita at Tito. Aalis pa ba tayo ngayon? Baha na sa ibang kalye.”
Umiling siya. “Nauna na sina Mommy sa Pangasinan. Iniwan si Raine sa pangangalaga ko.”
Ngumisi si Lander. “Alam ba nila na bantay-salakay ka?”
“Ha-ha.” Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Magsiuwi na nga kayo.”
Napailing-iling si Train. “Hindi ba kami puwedeng matulog dito?”
“Hindi,” mabilis niyang sagot, saka itinuro ang pinto ng condo. “Uwi na. Balik na lang kayo bukas, tingnan natin kung okay na ang panahon. Kapag maayos na, aalis tayo patungong Pangasinan. Kapag hindi, palilipasin muna natin ang Pasko.”
Calyx sighed. “Whatever. Handang-handa na ako, eh.”
Isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan niya. At nang wala na ang mga ito, ini-lock ni Tyron ang pinto at bumuga ng hangin.
Saan ako ngayon matutulog?
radicalducati