Tyron Zapanta (Possessive Series 1)

Chapter 3



Chapter 3

NAPAKUNOT-NOO si Raine nang magising at mapansing hindi pamilyar ang silid. Ilang sandali ang lumipas nang ma-realize niyang wala siya sa sariling kuwarto. Bumangon siya at nag-inat bago bumaba sa kama.

Inilibot ni Raine ang paningin sa kabuuan ng silid. Kanina nang sabihin ni Tyron na sa kuwarto na iyon siya maaaring magpahinga, walang tanong-tanong siyang humiga sa kama dahil sa pagod. Ngayon, naku-curious siya kung sino ang may-ari ng silid na iyon.

Maybe it’s a guest room.

Tumigil ang kanyang mga mata sa picture frame na nasa night stand. Larawan iyon ni Tyron na naka-tuxedo. Nakangiti ito sa camera. Parang gusto niyang magselos sa kung sino man ang kumuha ng litrato ng binata. Whoever took the picture must have been very blessed that day. Kung guwapo si Tyron kapag seryoso, mas sampung beses itong guwapo kapag nakangiti.

Ipinilig ni Raine ang ulo para mawala ang iniisip.

“Sino kaya ang may-ari ng kuwartong ito?” kapagkuwan ay tanong niya sa sarili, pagkatapos ay naglakad patungo sa isang pinto.

Thinking that it was the bathroom, she opened it only to be taken aback at what she saw. It was a closet. At lahat ng damit na naroon ay pag-aari ng lalaki!

This couldn’t be Tyron’s room! No way in hell!

I think the photo frame in the night stand is enough proof that this is his room, anang boses sa isip niya na ikinaawang ng kanyang bibig.

Bakit naman niya ako patutulugin sa silid niya? Wala bang ibang silid ang condo na `to?

That was impossible! Siguro naman ay may spare room ang lalaki para sa bisita.

Dahan-dahang isinara ni Raine ang closet at binuksan naman ang isa pang pinto. It was the bathroom. Lahat ng gamit doon ay panlalaki—mula sa shampoo hanggang sa after-shave. Humugot siya ng malalim na hininga bago isinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa pinto ng silid at akmang bubuksan nang bigla iyong bumukas at tumama ang pinto sa kanyang noo dahilan para mapaupo siya sa sahig.

She groaned as pain sipped through her butt up to her lower spine. “Aray!”

“Ano’ng ginagawa mo d’yan?” Boses iyon ni Tyron at mukhang natatawa sa posisyon niya.

Tiningala niya ang binata at pinukol ng masamang tingin. “Ano sa tingin mo? Tinamaan ako ng pinto nang buksan mo!”

Amusement filled his eyes. “Oh. Sorry.” The asshole didn’t sound sorry at all! Pinagtatawanan siya nito, for Christ’s sake!

Lalong sumama ang mood ni Raine. “Buwisit ka! Help me up, will you?”

Inilahad ng binata ang kamay sa kanya. “Tayo na.”

Pinukol niya ng masamang tingin ang kamay ng lalaki bago tinanggap ang tulong nito. Nang maglapat ang kamay nila, parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ni Raine patungo sa kanyang braso hanggang tumagos sa puso niya.

Malakas na hinila siya ni Tyron patayo, dahilan para mawalan siya ng balanse at mapasubsob sa dibdib nito. Napasinghap siya nang tumama ang kanyang noo sa dibdib ng lalaki. Ewan ba niya kung anong mayroon ang katawan nito dahil tuwing nagkakadikit ang mga katawan nila ay para siyang napapaso.

Kaagad na umayos ng tayo si Raine at inagaw ang kamay na hawak pa rin ng binata. “Salamat.”

“You don’t sound thankful to me,” pambabara ni Tyron.

Kung may kapangyarihan lang siya na kitlin ang buhay nito sa pamamagitan ng pagpukol ng masamang tingin, baka pinaglalamayan na ito.

“Don’t glare,” anito sa mahinahong boses. “Hindi bagay sa `yo.”

Raine grimaced in annoyance. “Una, pinakialam mo ang pagbuntong-hininga ko, ngayon naman ay ang matatalim kong tingin. Ano ba ang problema mo sa `kin at pinakikialaman mo ako?”

“Hindi nga bagay sa `yo,” anito na parang nasagot niyon ang lahat ng problema niya.

Natatawang itinirik ni Raine ang mga mata. “O, eh, ano naman ngayon?”

Sumeryoso ang mukha ng binata, saka matiim siyang tinitigan. “If you don’t stop sighing and glaring, I’ll kiss you.”

Natawa siya sa pananakot ng lalaki. “Hahalikan mo ako? And that’s supposed to scare me? Now that’s funny.” Idinikit niya ang katawan sa katawan nito. “You do know that it’s the oldest threat in the book of threats. And I’m not scared of it. To hell with you.” Akmang hahakbang siya palayo nang may pumasok na kapilyahan sa kanyang isip.

Why not? She was sure as hell that his lips tasted edible.

Tumingkayad si Raine at inilapat ang mga labi sa mga labi ni Tyron. Naramdaman niya ang paninigas ng binata pero hindi naman siya itinulak palayo. Hinayaan lang siya na ilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito. It was just a soft meeting of their lips but Raine felt like her cells were burning her nerves, melting her defenses. Her body felt hot and she felt a tingling sensation down there.

Mabilis niyang inilayo ang mga labi sa mga labi ni Tyron at nagpanggap na hindi naapektuhan sa halik na iyon.

Apektado ako, damn it!

IT HAPPENED so fast. Hindi nakaiwas o nakagalaw si Tyron, not that he wanted to. Natulos siya sa kinatatayuan habang magkalapat ang mga labi nila ni Raine. Simpleng pagtatagpo lang iyon ng mga labi nila pero parang nilipad ang espiritu niya sa kahimalayan. This must sound cliché, but her lips on his felt perfect. Binubuhay niyon ang bahagi ng katawan niya na sumisimbolo sa kanyang pagkalalaki.

At dahil lang iyon sa isang halik…

What the fuck is happening to me? tanong niya sa sarili nang maghiwalay ang mga labi nila ng dalaga.

Nakatitig siya kay Raine na para bang sasagutin nito ang tanong niya sa sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Mula nang makabanggaan niya sa airport ang dalaga, he was thrown into a pit of lust and confusion. Hindi iyon dapat mangyari sa kanya. Hindi niya iyon dapat nararamdaman. Dapat niyang pagtuunan ng pansin ang girlfriend na kakatay sa kanya nang buhay kapag nalaman na hinalikan siya ng isang magandang babae at wala man lang siyang ginawa para pigilan ito. Kahit pa nga sinabi na ni Careen na break na sila, alam naman ni Tyron na hindi iyon totoo.

Pero hindi naman niya `yon malalaman kung hindi mo sasabihin, tudyo ng isang bahagi ng kanyang isip. At wala namang nakakita, `di ba? And hell, you’ve enjoyed that kiss.

Hindi niya ikinakaila na nag-enjoy siya sa halik ni Raine, pero hindi pa rin iyon tama. May girlfriend siya.

Kung mahal mo, bakit nangyayari `to sa `yo? Use your head, moron, anang isip niya. And, hey, Careen already broke up with you, remember?

Napakurap-kurap si Tyron nang maramdamang may bumunggo sa balikat niya dahilan para bumalik siya sa kasalukuyan. Ang babaeng iyon talaga! She walked past him and bumped his shoulder in purpose. Ito lang ang babaeng kilala niya na gumagawa niyon. Para itong nanghahamon ng away.

Sinundan niya si Raine ang dalaga na nagtungo sa living room.

“Nasaan si Mommy?” tanong nito nang mapansing walang tao sa condo niya maliban sa kanilang dalawa.

“Hindi pa sila dumarating,” aniya at inihanda ang sarili sa pagsigaw nito, pero hindi ganoon ang nangyari.

“Bakit? Nasaan daw sila?” tanong ni Raine sa mahinang boses.

“Hindi ko alam,” kibit-balikat niyang sagot. “Hindi pa tumatawag si Mommy sa `kin.”

“Bakit hindi pa? Nasaan na ba sila?” Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “Anong oras na ba?”

Tiningnan niya ang relong pambisig. “Nearly five PM.”

Bumadha ang pagtataka sa mukha ng dalaga. “Five PM? At wala pa sila? Teka, pupunta ba sila rito? I mean, may bahay ba ang mga magulang mo dito sa Manila?”

Umiling siya. “Wala na. Ipinagbili na nila nang magretiro si Daddy sa paghawak ng kompanya namin. They are now settling in Pangasinan, our home town.”

Tumango-tango si Raine, puno ng katanungan ang ekspresyon ng mukha.

“Napag-usapan din namin nina Daddy kahapon na dito muna kayo sa condo ko kasi bukas pa tayo uuwi sa Pangasinan. Hinihintay pa kasi namin si Aunty Neny na darating mamayang gabi mula sa Hawaii para sabay-sabay ang pag-uwi natin.”

Pinagkrus ng dalaga ang mga braso sa harap ng dibdib. “So, nasaan sila ngayon?”

Nagkibit-balikat siya. “Malay ko.”

“Call your mom.”

“And why would I do that?”

“To ask them where they freaking are? Duh!”

“Don’t ‘duh’ me.” Nag-umpisa na siyang mairita.

Tumikwas ang isang kilay ni Raine. “Para ka kasing walang utak, eh.” Bakas ang iritasyon sa mukha ng dalaga. “I want to know why they are not home yet. Masama ba `yon?”

“Wala akong utak?” Lumapit si Tyron sa babae hanggang sa isang pulgada na lang ang layo ng katawan nila sa isa’t isa. “For your information, I am a magna cum laude—”

“Whatever,” she cut him off with a glare. “I don’t care if you have a GPA as high as Einstein. Wala akong pakialam kung magna o summa cum laude ka. Wala rin akong pakialam sa `yo. I just want to know where my mom is and why she’s not here yet, at ikaw lang ang tanging tao na malalapitan ko para malaman `yon. My phone is down and yours isn’t.”

Hindi makapaniwalang tumitig si Tyron sa mukha ng dalaga. “You’re asking for a freaking favor, Raine. Ni hindi ka nga nagsabi ng ‘please.’ Ininsulto mo pa ako. Is that how you ask a favor from someone? Kasi kung ganyan ka humingi ng pabor, walang tutulong sa `yo.”

Mariin nitong ipinikit ang mga mata na parang pinapakalma ang sarili. It took her a minute to open them. In that minute, he was given a priviledge to study her face closely without her knowing it. Dapat hindi siya nag-iisip nang ganoon sa isang babae, kasi may Careen na siya. But Raine… she really was breathtaking.

Her beautiful face. Soft skin. Her mouth-watering scent and her so gorgeous body. Nasisiguro niyang walang hindi matinong lalaki na hindi magnanasa sa dalaga.

Tyron didn’t know what possessed him. Parang may sariling isip ang katawan niya na bumaba ang mukha sa mukha ng dalaga at marahang inilapat ang kanyang mga labi sa malambot nitong mga labi. Inaasahan na niyang itutulak siya nito, sisipain o di kaya ay tutuhurin, pero wala sa mga iyon ang ginawa ni Raine. Hinayaan lang siya ng dalaga, bahagya pang iniawang ang mga labi. At sino ba siya para hindi sunggaban ang oportunidad na palalimin ang halik na kanyang sinimulan?

Masuyo niyang sinapo ang mukha ng dalaga at pinalalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Lalo pang nanigas ang pagkalalaki ni Tyron dahil sa halik. Binubuhay niyon ang kanyang dugo. Naging mapusok siya sa paghalik dito. He slid his tongue inside her mouth and he whimpered when Raine bit it then sucked the sting away.

Habang mainit silang naghahalikan, gumapang ang kamay ni Tyron patungo sa baywang ng dalaga at dahan-dahang ipinasok ang kamay sa loob ng suot nitong blusa. As he slowly slid his hand inside her blouse, all the rationale thoughts in his mind had long been gone. Nang halikan niya ito, hindi niya naisip na may kasintahan siya. Hindi niya naisip na ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang manloko ng babae. As he kissed her fully in the mouth, his belief was forgotten. All he could remember was his hunger and the need to kiss her deeply. All his rationale thoughts had been clouded by lust.

Raine moaned inside his mouth when his hand finally reached its destination. Napakasarap masahihin ng mayayaman nitong dibdib. Lalo pang nagwala ang pagkalalaki niya, handa nang lumaban.

He was about to massage her breast lightly when a knock on the door startled them both. Raine jumped away from him. Mabilis nitong inayos ang sarili at tumikhim.

“Buksan mo ang pinto,” anito na hindi makatingin nang deretso sa kanya.

Hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya sa dalaga habang paulit-ulit na nire-replay ng utak ang halikan nilang dalawa. His cock hardened even more, to the point that it hurt.

Shit!

“Buksan mo ang pinto,” narinig niyang ulit nito pero hindi siya gumalaw.

Gulong-gulo ang isip ni Tyron nang mga sandaling iyon. Parang nag-i-spin ang utak niya dahil sa ginawang paghalik sa dalaga. Some part of him felt disgusted with what he did. He just cheated on his girlfriend, for fuck’s sake! But some part of him was in bliss.

Gago! Break na nga kayo, `di ba? anang boses sa isip niya.

Kasalanan ito ni Raine! Why does she have to be so damn irresistible?

NAPUNO ng iritasyon si Raine nang hindi gumalaw si Tyron sa kinatatayuan nito. Nakatingin lang ang lalaki sa kanya. Sa paraan ng pagtitig nito, parang sinisisi siya sa halik na pinagsaluhan nila. Gusto tuloy niyang iumpog ang ulo nito sa pader. He was the one who kissed her. He was also the one who deepened the kiss. At dahil hindi niya makontrol ang sarili tuwing nasa paligid ang lalaki, wala sa sariling pinayagan niya itong halikan siya.

I should have pulled away. Damn it, body! Don’t betray me, please!

Dahil naaawa na si Raine sa kumakatok at baka namamaga na ang kamay nito ngayon—bakit naman kasi hindi ginamit ng kung sinumang iyon ang doorbell—siya na ang nagbukas ng pinto.

“Hey, man—” Nabitin ang pagsasalita ng lalaki nang makita siya. “Whoever you are, I’m so pleased to meet you, beautiful maiden.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan ang likod niyon. “I am called I—”

“Fuck off, Iuhence,” pagalit na sigaw ni Tyron mula sa kanyang likuran na ikinagulat niya.

Ngumiti lang ang lalaking may hawak sa kamay niya. Hindi nito pinansin ang pagsigaw ni Tyron. “Do you find me attractive?”

Kahit napapantastikuhan sa tanong nito, tumango si Raine. Guwapo naman talaga ang lalaki. “Oo.”

“Cool.” Mas lumapad pa ang ngiti nito. “`Want to go out on a date with me?”

Napakurap-kurap siya. “Ano?”

Nagulat si Raine nang may humawak sa kanyang braso at hinila siya papasok sa loob.

“Huwag mong kausapin ang lalaking `yan. He’s a bug that you’ll want to splatter right after you date him,” wika ni Tyron na pilit siyang itinatago sa likuran nito.

“Hey!” the man shouted defensively then he entered Tyron’s unit like he owned it. “I, Iuhence Vergara, is not a bug. Isa akong guwapong nilalang. Mas guwapo pa nga ako kaysa sa kanya.” Itinuro nito si Tyron at kinindatan siya. “At mas bagay tayong dalawa.”

Mula sa gilid ng kanyang mata, nakita ni Raine na pinukol ng masamang tingin ni Tyron ang bagong dating.

“Ano’ng ginagawa mo rito, Vergara?” tanong ng binata na parang nagtatagis ang mga bagang.

“Ako ang dapat nagtatanong niyan sa `yo, Zapanta.” Ngumiti nang makahulugan ang lalaki. “What are you doing here in your condo?” He pointed at her. “—with her. Alam ba ito ng girlfriend mo?”

It was like a thunderstorm that hit Raine on the pit of her stomach.

May girlfriend na si Tyron?!

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Tyron.

He cheated on his girlfriend with me? No…way.

Parang gusto niyang sampalin ang sarili sa ginawang paghalik dito kanina.

“We didn’t…” There was an uncertainty in Tyron’s voice. “We didn’t do anything.”

“Yeah, man. And pigs are color blue.” Puno ng sarkasmo ang boses ng bagong dating. Umiling-iling ang lalaking nagngangalang Iuhence. “And please, Ty, if you want me to believe that you two didn’t do anything pornographic, better wipe off that smudge of lipstick on your lips.”

Mabilis na dumapo ang kamay ni Tyron sa mga labi nito at mabilis na pinahid para mawala ang lipstick na dumikit doon. Habang pinapahid ng binata ang lipstick, bumaling ito sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, inirapan niya ito. Buwisit! Naging manloloko pa siya dahil dito! Letse!

“Bakit mo ako hinalikan kung may girlfriend ka naman pala,” sikmat ni Raine dito.

“We just kissed,” wika ni Tyron. “It’s no big deal.”

Nagpanting ang kanyang mga tainga sa narinig.

Ang hinayupak! Of course, big deal ang halik niya! Big deal `yon!

Nagpupuyos ang kalooban ni Raine sa galit habang matalim na nakatingin sa binata.

No big deal?!

Hindi talaga iyon mawala sa isip niya.

Just kissed? No big deal?!

Hindi pala big deal, huh?

Humanda ka sa aking lalaki ka. Makakatikim ka ng mag-asawang sapak kapag hinalikan mo pa ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.