Tyron Zapanta (Possessive Series 1)

Chapter 2



Chapter 2

WALANG imik si Raine habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Tyron. Pakiramdam niya ay lumiliit ang sasakyan. Aware na aware siya sa presensiya ng lalaki at hindi iyon normal! Hindi rin nakakatulong ang pabango nito na parang inaakit siyang lumapit dito at amoy-amoyin ito.

It looked like Tyron wanted to break the awkward silence between them so he turned on the radio. Selena Gomez’s song “The Heart Wants What It Wants” blasted on the radio.

Napangiwi si Raine sa kanta.

Ano ba naman `yan?

She liked Selena Gomez but this song of hers really annoyed her. Sa lyrics pa lang masasabi nang tanga ito. Siguro nga ganoon ang pag-ibig at deep down inside her, natatakot siya na mangyari iyon sa kanya na kahit nasasaktan ay nagmamahal pa rin at nagtatanga-tangahan na lang.

“So, hanggang kailan kayo titira sa bahay?” tanong ni Tyron na parang hindi ito sang-ayon na makasama siya sa iisang bubong.

Binalingan ni Raine ang binata, saka ibinalik ang atensiyon sa harap. Maayos niyang narinig ang tanong nito kahit pa maingay ang radyo.

“Three weeks? A month? Hindi ko alam,” sagot niya, sabay kibit-balikat.

He clucked his tongue. “Bakit hindi mo alam? Dapat alam mo, kasama ka sa magbabakasyon, `di ba?”

Tumaas ang isa niyang kilay. She felt insulted. Parang ayaw silang patirahin ng lalaki sa bahay ng mga ito. “Kung ayaw mong tumira kami sa bahay mo, just say so. Hindi naman namin ipipilit ang mga sarili namin. We can live in a hotel if that can make so you sleep better at night.” Puno ng sarkasmo ang kanyang boses.

“You’re my parent’s visitors.” His voice was flat.

“It doesn’t matter if we are or we aren’t,” mariing sabi niya. “Period.”

“But you are,” pamimilit nito.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. “Fine. We are. Happy?”

Ang pinakaayaw ni Raine sa lahat ay ang makipagdiskusyon tungkol sa mga walang kuwentang bagay. At bakit ba pinipilit ni Tyron na bisita sila samantalang halata naman sa mga tanong ng lalaki na ayaw silang patirahin sa bahay nito? Pakialam naman niya kung ayaw nito? Hindi naman siya mamamatay kung hindi pumayag ang lalaki.

“I’m just stating a fact,” anito. “You are my parents’ visitors.”

Pinukol niya ang lalaki ng masamang tingin. “You are a jerk, alam mo ba `yon?”

Halatang nagulat si Tyron sa sinabi niya. Wala pa bang tumatawag dito ng ganoon?

“I’m not a... jerk,” he replied grimly.

She chuckled nonchalantly. “Anong hindi? Ipinapamukha mo sa akin na hindi ka sang-ayon sa pagtira namin sa bahay n’yo. That’s okay. Wala akong pakialam kung ayaw mo. But if you see me as an unpleasant bug visitor in your house, then that’s how you see my mom, too. So yeah, you’re an asshole for rubbing it in my face that we are not welcome. How rude can you be?”

Napipilan si Tyron at humigpit ang pagkakahawak sa manibela. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin.”

“Whatever. Makipag-usap ka sa hangin,” pagtataray niya.

Inihilig ni Raine ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan. Ang aga-aga, nabubuwisit at naiinis na siya. Ano ba ang problema ng lalaking ito sa kanya? Sa pagkakaalam niya, may kapatid din ito. Hindi rin ba ito sang-ayon na manatili sila sa bahay ng mga ito? Hope not. Baka umuwi siya sa Canada kahit walang pahintulot ng mommy niya. Pero wala rin naman siyang gagawin sa Canada dahil on leave siya at ang kaibigang si Mhel ay kasama ang pamilya nitong nagbabakasyon sa Santorini.

“I’m sorry, Raine,” mayamaya ay sabi ni Tyron. He sounded guilty. “It was rude of me.”

Her heart flipped. The way he said her name, it sounded like he just sang her favorite song.

Dang it!

Ano ba itong nangyayari sa kanya? Kailan pa siya naapektuhan nang ganoon ng isang lalaki? This was weird. She was being weird.

Humugot ng isang malalim na hininga si Raine para pakalmahin ang pusong parang nakikipagkarera. For Christ’s sake! Kakakilala pa lang niya sa binata! Pakialam naman niya kay Tyron? Mananahimik na lang siya. Aalis din naman siya after New Year.

“How was your flight? Nakakapagod ba?” tanong ni Tyron na pinagwalang-bahala niya. “C’mon, Raine. Kausapin mo naman ako. I already apologized,” anito nang hindi siya magsalita.

Nanatiling walang imik si Raine. Hindi niya maintindihan kung bakit apektado ito ng kanyang pananahimik.

Kung makapagtanong ka naman, parang hindi ka rin apektado sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Yeah, they just met and she won’t deny the fact that she found him handsome but that was all. Kahit pa nga parang nagpa-parkour ang puso niya kapag tumitingin sa mukha ng lalaki at tuwing malapit ito sa kanya. Pero hindi pa rin iyon sapat para magpaapekto siya kay Tyron. Hindi siya dapat magpaapekto.

Baka ninenerbiyos lang siya.

“Raine, please, kausapin mo naman ako.”

Bumuntong-hininga siya, saka sumulyap sa binata. “Bakit ba? Huwag mo akong kausapin na parang close tayo, because we are not.”

Nagpapasalamat siya nang tumigil ang sasakyan. Tumigil din ang sasakyan nina Tito Tim. Lumabas ang mga ito kaya mabilis na binuksan ni Raine ang pinto ng kotse para bumaba. Huminga siya nang malalim, saka tinapik-tapik ang dibdib. Para siyang nakawala sa hawla.

Shit!

Bakit ba niya iyon nararamdaman?

Narinig niyang bumukas ang driver side door at nang tumingin siya roon, palabas na ng sasakyan si Tyron at tumuon ang mga mata nito sa kanya. He then put on a pair of sunglasses on and then smiled at her.

Raine’s heart flipped at that. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga at bumalik sa pakikipagkarera ang kanyang puso.

“Raine, halika na,” tawag sa kanya ng mommy niya na naglalakad na patungo sa kung saan.

“Nandiyan na,” tugon niya.

Tatakbo sana siya patungo sa ina nang may pumigil sa kanyang braso. Kaagad niyang naramdaman ang kakaibang daloy ng kuryente roon. Alam kaagad niyang si Tyron ang may-ari ng kamay na iyon. His hand on her was warm and very… nice.

Tyron feels nice.

Ano ba ang nangyayari sa `kin?

Pasimple niyang ipinilig ang ulo at tumingin sa lalaki. “Bakit mo ako pinigilan?”

“Don’t run. Madulas ang sahig, baka madapa ka,” anito.

Pasimple niyang inagaw ang braso na hawak ng binata nang maramdamang parang mas lumala pa ang kuryenteng dumaloy sa kanya. Kapagkuwan ay walang imik siyang naglakad patungo sa direksiyon na tinatahak ng kanyang ina at nina Tita Marian.

Umakto si Raine na parang walang pakialam habang naglalakad, pero ang totoo, ramdam na ramdam niya ang presensiya ni Tyron. Hindi nakakatulong ang paminsan-minsang pagdidikit ng mga braso nila.

Pasimple siyang lumayo sa binata at kinuha ang cell phone sa bag at naglaro ng Candy Crush.

Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang boses ni Tyron.

“Anong level ka na?”

Nanigas si Raine at napatigil sa paglalakad nang ma-realize na nasa likuran niya ang lalaki. His face must be so close to her because she could feel his breath fanning her face, making the hair on her nape rise up.

Napalunok siya nang maramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod kaya bago pa siya bumagsak sa sahig ay malalaki ang hakbang na pumasok siya sa Early Bird Breakfast na nakita niyang pinasukan nina Tita Marian.

Shit!

Ano ba ang nangyayari sa kanya? This was not normal!

WALANG imik si Raine habang nakaupo at hinihintay na i-serve ang in-order nila. Gusto niyang makipag-usap o kaya naman ay magtaas ng tingin pero hindi niya magawa. Nararamdaman niyang nakatingin sa kanya si Tyron. Parang sinusuri ang buo niyang pagkatao at nagre-react ang kanyang puso.

Sa tanang buhay niya, hindi pa naranasan ni Raine na kapusin ng hininga ng dahil sa isang lalaki, lalo naman ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi pa niya nararanasan iyon kaya naguguluhan siya kung bakit nararamdaman niya iyon kay Tyron ngayon. She just met him!

Hindi niya alam kung bakit titig na titig ang binata sa kanya. Wala namang dumi sa kanyang mukha. Wala rin naman siyang ginawa rito. Hay, naku naman. Ano ba ang problema ng lalaki sa kanya?

“May trabaho ka ba ngayon, Raine?”

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa nagtanong, si Tito Tim. “Yes, po,” magalang niyang sagot. “Actually, kaga-graduate ko lang ng Journalism six months ago. Now, I’m a journalist at State Trend Magazine.”

“State Trend Magazine?” gagad ni Tito Tim, parang nagulat.

“Yes po.”

“Wow,” Tito Tim exclaimed in amazement. “That’s a very big company in the U.S., you must be very brilliant to be one of their journalists. And at a young age, too. Hindi ba twenty-one ka lang ngayon?”

“Opo.” Matipid siyang ngumiti. “Hindi naman po ako brilliant. Nagkataon lang siguro na naaayon sa requirement nila ang skills ko.”

“Naku, hija, don’t belittle yourself. Magaling ka kaya nakapasok ka sa kompanya na `yon,” nakangiting wika naman ni Tita Marian.

Ngumiti lang si Raine at hindi na nagsalita pang muli. Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ni Tyron at nagtama ang kanilang mga mata. Gusto niyang mag-iwas ng tingin pero hindi niya magawa. Pinilit niya ang sarili na ibaba ang tingin, pero sa halip ay dumako iyon sa mga labi ng binata. His lips were rubicund and there was a feeling inside of her that wanted to kiss those ruddy lips of his.

Nakita niyang tumaas ang gilid ng mga labi ni Tyron nang mapansing nakatingin siya sa mga labi nito, pagkatapos ay kinindatan siya.

Heat exploded on her face. She was pretty sure she was blushing profusely.

Mabilis na nagbaba ng tingin si Raine sa plato na may tatlong piraso ng pancake at may tatlong strawberry sa gilid at dalawang maliit na lalagyan ng honey at chocolate syrup. Hindi niya namalayang dumating na pala ang kanyang order.

Nararamdaman niyang nakatitig pa rin si Tyron sa kanya habang kumakain. Sobrang naiilang siya sa ginagawa nito, hindi niya magawang i-enjoy ang pancake na in-order. And it annoyed her.

Fuck it!

Sino ba ang lalaking ito para mailang siya nang ganoon?

Nag-angat si Raine ng tingin at matapang na sinalubong ang titig ni Tyron. Sa pagkakataong iyon, hindi siya magbababa ng tingin.

Pagkalipas ng ilang segundong pagtititigan nila, tinaasan niya ito ng kilay at tumalim ang kanyang mga mata. Tumawa si Tyron, saka tumingin sa plato.

Hmp! I won! puno ng pagmamalaking aniya sa sarili.

Ibinalik ni Raine ang atensiyon sa pagkain. She felt happy that she won in their staring contest. Akala siguro ng binata ay magpapatalo siya.

Hmp! Take that, jerk!

PAGKATAPOS mag-agahan, nag-ayang mag-shopping sina Tita Marian at Tito Tim. Kung si Raine ang tatanungin, ayaw niyang mag-shopping. Gusto na niyang ipahinga ang katawan at matulog. Pero kailangan niyang makisama.

“Medyo pagod na ako,” wika ng kanyang ina na ipinagpasalamat niya. “Eighteen hours kaming nakaupo sa eroplano. Medyo masakit sa likod,” dagdag pa nito.

Tumingin sa kanya si Tito Tim. “Ikaw, Raine, napagod ka ba sa biyahe?”

Tumango siya. “Kinda. I just want to lie in bed and sleep,” matapat niyang sagot. There was no point in lying. Alam niyang halata ang pagod sa kanyang mukha.

Kumapit si Tita Marian sa braso ng mommy niya at naglambing. “Grace, puwede ba mamaya na kayo magpahinga? Mag-shopping muna tayo. Nakaka-miss mag-shopping kasama ka.” Tumingin ito sa kanyang ina at pinalambot ang mga mata. “Please, Grace. Naalala mo ba no’ng mga bata pa tayo? Ang hilig nating mag-shopping.”

Sa Pilipinas lumaki ang kanyang ina. Nag-migrate ito kasama ang lola at lolo niya noong fourth year high school ito at sa Canada na tumira. Doon ipinanganak si Raine at doon din lumaki. Never pa siyang nakaapak sa Pilipinas, ngayon pa lang, pero magaling siyang magsalita ng Tagalog dahil iyon ang ginagamit nilang lengguwahe habang nasa Canada.

Ngumiti ang ina kay Tita Marian. “Oo, naaalala ko.” Bumuntong-hininga ito, saka malapad na ngumiti. “Sige na nga, mag-shopping tayo.”

Natawa si Tita Marian. “Yes! C’mon! I’m so excited.”

Her mother giggled excitedly. “Let’s go.” Bumaling ito sa kanya. “Come on, Raine. Sama ka sa `min. Mag-shopping tayo.”

“Pagod na ako, Mommy,” aniya na hindi itinago ang pagod na nararamdaman.

Lumapit sa kanya si Tita Marian at hinaplos ang kanyang pisngi. “I’m sorry, Raine. Okay lang naman kung hindi ka sasama sa amin. Halatang pagod na pagod ka.” Dumako ang tingin nito kay Tyron. “Huwag ka nang sumama sa `min, samahan mo si Raine sa condo mo. She needs to rest. Susunod na lang kami mamaya.”

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Anong condo? Tyron’s condo? What the hell? No! Please, say no, Tyron!

“Sige,” ani Tyron.

Aalma sana si Raine pero tumalikod na sina Tita Marian at naglakad palayo sa kanila ni Tyron kasama ang kanyang ina. Pati na rin si Tito Tim na tinapik pa ang balikat ng anak bago umalis.

Napakurap-kurap siya sa papalayong bulto ng mga ito.

How unlucky can I get?

Narinig niyang bumuntong-hininga si Tyron na ikinairita niya. Kailangan ba nitong bumuntong-hininga nang ganoon? Para sa kanya, senyales iyon na ayaw siyang makasama ng lalaki. Kung tutuusin, mas gugustuhin pa ni Raine na matulog sa kalye kaysa matulog sa condo kasama ang binata dahil sa kanyang mga kakaibang nararamdaman kapag kasama ito. Pero siyempre, kailangan niyang makisama kaya nilingon niya si Tyron.

“Lead the way,” aniya na walang emosyon ang boses.

Tumitig ito sa kanyang mukha na parang may mali roon bago nagsalita. “C’mon.”

Nauna nang maglakad ang binatasa kanya. Mabilis siyang sumunod at sinigurong may distansiya ang layo nila sa isa’t isa. Hindi gusto ni Raine ang pakiramdam kapag nagdidikit ang kanilang mga balat.

Nang makarating sa lobby ng condo ni Tyron, iginiya si Raine ng binata patungo sa elevator. Humarap ito sa kanya habang hinihintay iyong bumukas.

“Okay lang sa `yo na makasama ako sa condo? We will be alone there,” wika ni Tyron na ikinakunot ng kanyang noo.

“Why won’t it be okay? Hindi ka naman siguro nangangain ng tao.”

May naglarong ngiti sa mga labi nito. “I don’t.”

“Okay.” Nagpasalamat si Raine nang bumukas ang elevator dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mag-iwas ng tingin. Pero sa kasamaang-palad, walang laman ang elevator.

Mabilis siyang pumasok sa loob at hinintay na makapasok si Tyron. Pinindot nito ang fortieth floor nang makapasok.

Habang pataas ang elevator, nakatalikod sa kanya ang binata. Ni hindi ito lumingon para alamin kung ayos lang ba siya. At bakit naman siya hindi magiging maayos?

Gaga! Gusto mo lang na lingunin ka niya para makita mo ang guwapo niyang mukha, anang isang bahagi ng kanyang isip.

Ipinilig ni Raine ang ulo at bumuntong-hininga.

“Don’t do that,” biglang basag ni Tyron sa katahimikan.

Napatitig siya sa likod nito. “Ha?”

Humarap ito sa kanya. “Don’t sigh or give out a deep breath. Kanina mo pa `yan ginagawa. Mula pa sa airport. Kapag nasa harap ka ng iba, ngumiti ka. Mas bagay sa `yo `yon.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Raine. “Pati ba naman `yon pakikialaman mo? I sighed because I wanted to. That’s how I let out my stress.”

“It’s irritating,” pagdidiin nito.

“No, it’s not.” Tumalim ang kanyang mga mata. “I’m just sighing.”

“Don’t you know that it gives people a different connotation?” Umiling-iling ito na parang isang krimen ang pagbuntong-hininga. “Kapag bumubuntong-hininga ka, you give off a bad vibe. Iisipin ng ibang tao na ayaw mo silang makasama.”

“Paki ko naman sa iisipin nila. As long as sighing can’t damage other people physically, it’s okay to sigh.”

“But it can damage the person mentally.”

Naningkit ang mga mata ni Raine sa inis. “Ano ba’ng problema mo? Pati ba naman ang pagbuntong-hininga ko, issue sa `yo?”

Hindi nakasagot si Tyron dahil bumukas na ang elevator. Nauna na siyang lumabas at hinintay ito. Nang lumabas ang binata sa elevator, naglakad ito sa pinakamalapit na pinto at binuksan iyon gamit ang keycard. Then he motioned with his hand for her to enter.

Pasimple niyang inirapan ang binata, saka pumasok sa condo unit.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.