Blackmail Bargain

Chapter 41



Chapter 41

Ross' POV

"Parang kang nalugi? Ano bang problema mo?" tanong sa akin ni Dexter. Sa bahay niya ako nagtuloy matapos ako itaboy ni Cyrah.

Iniabot niya sa akin ang isang bote ng beer at umupo siya sa tabi ko. Isa si Dexter sa kasama kong magtatayo ng business.

"Kailangan ko ata ng advice mo," sagot ko.

"At sa akin ka pa talaga hihingi ha? Tungkol ba saan yan?"

Magsisimula na dapat ako sa aking kwento nang bumaba mula sa hagdan ang Mommy niya.

"Dexter, anak. Natanggap mo na ba ang pinadala sayo ng Daddy mo?"

Tumayo ako at binati ko ang Mommy niya.

"Good evening po Tita."

"O Ross andito ka pala. Kanina ka pa ba?"

"Ngayon ngayon lang po," sagot ko.

"Ma, ibalik mo na kay Daddy yon. Sabihin mo sa kanya hindi ko yon kailangan. Matapos ang ilang taon ngayon lang siya magpaparamdam?"

Napailing na lang ang Mommy ni Dexter at nagdiretso na sa kusina.

"Hmp. Badtrip talaga yung erpat ko. Matapos iwan ang Mommy ko noon eh unti unting magpaparamdam ngayon."

Uminom muna siya ng alak bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Anong akala niya saken? Five years old na kaya niyang utuin sa mga suhol niya. Eh ni hindi nga niya naranasan na palitan ako ng diaper o ipaghele ako noong baby pa lang ako eh tapos tatawagin niya akong anak ngayon?"

All ears ako kay Dexter. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Parang nagsisikip ang dibdib ko. Mauubusan ata ako ng hininga.

"Maswerte ka nga Pare eh. Hindi ka nagmula sa broken family. Naranasan mo yung mga hindi ko naranasan sa isang ama. Ang bait bait pa ng Daddy mo. Sa tuwing may event sa school iisang mukha lang ang palagi kong kasama. Lahat ng mga bata kasama mga Daddy nila, pero ako yung Tito ko. Mabuti na lang mahal ako ng Tito ko. Kaya nga minsan hindi na lang ako umaattend sa mga ganun. Naalala mo ba noong higschool tayo at sinabi ko na nagbakasyon kami sa Cebu kaya di ako makakaattend?"

Tumango naman ako. First year highschool kami noon.

"Hindi totoo yun. Nasa bahay lang ako. Si Mommy lang talaga ang nasa Cebu kasi may inasikaso siya sa trabaho. Wala akong ginawa buong araw hanggang weekend kundi magkulong sa bahay."

Huminga siya ng malalim. Nakadama ako ng lungkot. Hindi ko alam kung mula ba yon sa boses niya o mula ba sa puso ko.

"Mahirap ang walang ama, Pare. Lalo na at lalaki ako. May mga bagay na hindi ko naman maishare sa Mommy ko. Mabuti na lang talaga strong ang Mommy ko. She is the strongest woman I know," sagot niya at ngumiti na siya sa huli niyang sinabi.

"Teka nga, napapalayo na tayo sa topic natin kanina ah. Ano nga ulit yung pinaguusapan natin kanina? Kailangan mo ng advice ko?"

Ngumiti ako.

"Hindi na Pare. Nasagot mo na ang mga tanong ko. Salamat."

Napakamot siya sa ulo.

"Wala ka pa namang tanong ah."

"Pag-usapan na lang natin ang ating business. Kailangan na nating masimulan yon. Kailangang kailangan na."

****

Naghuhubad ako ng sapatos nang biglang pumasok si Mama sa kwarto. Naiwan kong bukas ang pinto.

"Saan ka galing? Nakipagkita ka na naman sa babaeng yon? Magkakaaanak na kayo ni Jessica and yet nakikipagkita ka pa din sa babaeng yon? Makikita mo, tama ako. Katulad din siya ng Tita niya. Wala naman akong pakialam kung maging isang kabit din siya eh basta hindi sayo."

"Pwede ba, Mommy tama na! Wala kaming relasyon ni Cyrah. Tapos na kami Ma, tapos na tapos na. "

"Finally, narinig ko din yan mula sayo."

"Pag-usapan na natin ang kasal namin ni Jessica bukas Ma. Mamanhikan na tayo."

I know nagulat siya sa sinabi ko. Ang lapad ng ngiti niya.

"You made me happy, son."

Pagkalabas niya ng kwarto ko ay pumasok naman si Kyla.

"May sakit ka ba Kuya?"

Hindi ko siya sinagot.

"Anong nakain mo at magpapakasal ka na kay Jessica?"

"Kilala mo ba si Dexter? Yung kaibigan ko?"

"Oo."

"Nagkita kami nung isang araw. Nagkakwentuhan. I just realized ayokong maging katulad niya ang anak ko kay Jessica. Ayokong mailto ang anak ko kung kaninong bahay siya unang pupunta kapag holiday seasons, kung sa Mommy o Daddy ba niya. Ayokong lumaki siya na magtatanong ng magtatanong sa Mommy niya kung nasaan ang Daddy niya. Ayokong maging tampulan ng tukso ang anak ko. Ayokong maranasan ng anak ko ang mga bagay na yon."

"Naisip ko na mas titiisin ko na lang ang ugali ni Jessica basta kasama ko ang anak ko. Ayokong maramdaman ng anak ko na ni-reject siya o inabandona. Gusto ko siyang makitang lumaki simula day one. Hindi pa man ako handa pero naisip ko na hindi naman ito ibibigay sa akin ni Lord kung hindi ko kaya, diba?"

Alas singko pa lang ng hapon umalis na kami sa bahay. Ilang oras din ang byahe papunta sa probinsya nina Jessica. I texted her last night at nagsabi na ako na pupunta kami sa kanila para mamanhikan ang sabi niya umuwi daw silang mag-anak sa probinsya.

Hindi ko alam kung sapat ba ang pera na naipon ko para sa kasal pero siguro naman mapapagkasya ko iyon kahit civil wedding lang. Ang mahalaga naman maikasal kami ni Jessica. Ang mahalaga hindi maging bastardo ang anak ko.

Ibang iba talaga ang klima dito sa probinsya. Malamig ang hampas ng hangin. Maaliwalas at malinis. Kumpleto kaming apat nina Mommy, Daddy at Kyla.

"Tuloy po kayo," yaya ni Jessica.

Maganda ang bahay nila. Kulay dilaw ang pintura ng bahay nila. Tatlo silang magkakapatid at bunso si Jessica. Kaya hindi na din ako magtataka kung medyo masama ang loob ng magulang niya sa nangyari.

"Ano bang balak nyo sa mga bata?" tanong ng Mama ni Jessica nang makapasok kami sa loob. Nakaupo sa sala ang pamilya naming dalawa.

"Ayun na nga balae, kaya kami nagpunta dito eh para pagusapan ang kasal ng mga bata. Hindi magtatagal at lalaki na ang tiyan nitong si Jessica," sabi ni Mommy.

"Hindi ko nga alam kung bakit nagkaganyan ang batang yan. Hindi tumulad sa Ate niya nakapaghintay maikasal bago maganak. Ang gusto palagi eh makiuso," sabi ng nanay niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Jessica.

"Kaya nga balae, paguusapan natin kung paano maayos ito. Ang mahalaga naman ay maikasal ang mga bata kahit civil lang."

Nanlaki ang mga mata ng Mama ni Jessica.

"Civil?! Bakit civil lang? Ang panganay kong babae ay ikinasal na sa simabahan at ikinasal pa sa beach tapos ang bunso ko ay sa civil lang? Hindi naman ata maaari yan? Pinakialaman ng anak nyo ang anak ko at pagkatapos ganito ganito na lang?"

"Kapag po nakaipon ako ay pakakasalan ko din naman po siya ulit sa simbahan kung gusto nyo," sabi ko.

"Bakit? Hindi mo ba gusto?" tanong niya sa akin.

"Ma naman," saway ni Jessica.

Iniintindi ko na lang ang nararamdaman ng Mama ni Jessica. Galit pa siya at hindi pa niya matanggap na kukuhanin ko na sa kanya ang bunso niya.

"Pagpasensyahan nyo na pero hindi ako makakapayag na hindi sa simbahan ikakasal ang anak ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak ko? Ng mga kapitbahay namin?"

"Pero narinig mo naman ang sinabi ng anak ko diba? Papakasalan nya ulit ang anak mo. Dalawang beses din naman silang ikakasal katulad ng panganay mo?" sabi ni Mommy.

"Magkaiba yon."

"Kami naman ang gagastos sa civil at--," sabi ni Mommy.

"Of course. Kaya saka na lang natin pag-usapan ang kasal kapag church wedding na ang pinaguusapan natin."

Walang nagawa ang tapang ng Mommy ko sa taray ng Mama ni Jessica. Humingi muna ng pasensya sa amin si Jessica bago kami umalis. Sinabi ko na itext niya kaagad ako kapag babalik na siya ng Maynila para masundo ko siya sa terminal.

"O eh bakit hindi sila ang gumastos kung bonggang church wedding pala ang gusto nila?!" sigaw ni Mommy pagkapasok namin sa kotse.

Nakita ko rear view mirror na napapailing lang si Daddy.

"Nahiya pa sila sa kapitabahay at kamaganak nila na hindi maikakasal sa simbahan ang anak nila pero hindi sila nahiya na hindi pa mapapakasalan ang anak nila? Kaya ikaw Kyla, ayokong mangyayari sayo ang nangyari kay Jessica ha. Mag-isip isip ka. Gamitin mo yang utak mo," dagdag ni Mommy.

"Ma naman. Bakit naman sa akin napunta ang usapan?" tanong ni Kyla habang nakasimangot.

"Hinihingi na nga ang kamay ng anak niya eh ayaw pang pumayag. Masyadong ma-pride! Mayayabang!"

Hindi pa din tumitigil sa pagsasalita si Mommy. Samantalang dati gustong gusto na niyang makilala si Jessica.

"So ibig bang sabihin Ma, ayaw mo na kay Jessica?" tanong ni Kyla. At talagang ibinalik niya ang usapan kay Jessica.

"Ah ewan! Basta nabibwisit ako sa nanay niya pero mukhang mabait naman na bata si Jessica. Sana lang hindi siya nagmana sa nanay niya. Teka, anong plano mo ngayon Ross?"

"Pananagutan ko pa din po siya Ma, kahit ayaw po kaming ipakasal ng nanay niya."

"Paano?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.