Blackmail Bargain

Chapter 40



Chapter 40

KRISTINE'S POV

Ayoko naman talagang iwan si Cyrah sa kamay ng lalaking yon pero sa tono ng pananalita ni Cyrah kanina eh mukhang seryosong seryoso ang pag-uusapan nila. Huwag lang talaga akong maibuko buko ni Ross kay Cyrah at talaga namang hindi ko na talaga siya mapapatawad. Malilintikan talaga sa akin ang lalaking 'yon!

Sinubukan kong pakinggan ang usapan nilang dalawa. Lumapit pa nga ako sa pinto ng kwarto ko pero wala ako marinig. Hindi ba sila nagsisigawan? Dapat pala hinayaan ko ng hawakan ni Cyrah yung pamispis in case of emergency. Sigurado katakot takot na away ang nagaganap sa labas. Siguro in silent mode lang sila kaya wala masyadong ingay. Alam mo yun, yung nagsasakitan na sila physically. Joke. Haist. Kung bakit ba kasi ang layo ng kwarto ko sa sala eh.

Humiga na lang ako sa kama ko nang marealize ko na wala naman ata akong mapapala sa pagtayo sa may pinto.

"Kristine," sunod sunod ang katok. "Kristine, buksan mo ang pinto!"

Tumayo naman ako kaagad at binuksan ang pinto. Dirediretsong pumasok sa loob ng kwarto ko si Cyrah.

"Teka, umiiyak ka ba?" tanong ko. Parang basa pa ang mata niya eh.

"Hindi ah. Magabok kasi," sagot niya at dumapa siya sa kama ko. Nagtaklob pa nga siya ng unan eh.

"Ano bang mga sinabi ng lalaking yon sayo? Anong mga kasinungalingan naman?"

Umupo ako sa kama at hinintay na magkwento. Umupo din siya bago sumagot.

"Mga kasinungalingan? Ayun. Sinabi niya sa akin na ikaw daw ang nagbigay ng video at pictures sa kanya. Yung sa beach. Ang sinungaling noh?"

Damn!

Hindi ako makatingin ng diresto kay Cyrah. I'm dead.

Shit. Shit. Shit.

Mapapatay talaga kita Ross Rodriguez!

Matagal bago ko nilingon si Cyrah at base sa ekspresyon ng mukha niya kanina pa niya ako tinitingnan at naghihintay ng sagot mula sa akin. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari two days after makipagdouble date siya kasama sina Ross, Jessica at Bryce.

(flashback)

"Kristine!"

"Ross?"

Nang makalabas ako ng banko ay nakita kong nakaabang si Ross sa parking lot. Nilapitan ko siya.

"Where is Cyrah?"

"Eh di nasa puso mo," sagot ko. Kainis kasi. Isa pa ito eh. In denial din.

"Seryoso ako. Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa apartment. Nagaalala na ako."

I crossed my arms at itinaas ang isang kilay.

"Oh eh bakit ka naman nagaalala? Matanda na yun. Kaya na nun ang sarili niya."

"Kasama ba niya yung Bryce?"

Inilagay ko naman ngayon ang kamay ko sa bewang ko.

"Eh ano naman ngayon kung kasama niya si Bryce? At least si Bryce hindi ikinukulong sa bahay si Cyrah, sa puso lang. At least si Bryce hindi niloloko si Cyrah--."

Nagsalubong ang kilay ni Ross.

"Hindi ko niloko si Cyrah. Ako ang niloko niya," matigas na sabi niya.

Nagpakawala ako ng isang maiksing tawa.

"Hindi ko man nasubaybayan ang love story ninyo noong ongoing pa ito, pero nakahabol naman ako dahil ikinwento saken ito ni Cyrah. Ano bang alam mo ha, Ross? Wala kang ibang alam kundi hayaan si Cyrah na mag-isa lalong lalo na noong mga panahong kailangan ka niya."

"Hindi totoo yan. Lumayo na ako sa kanya dahil hindi na ako ang kailangan niya."

"Sinong maysabi? Ang mommy mo? Si Mae? Kaibigan mo? Ni minsan ba tinanong mo si Cyrah kung ano ang totoong nangyari? Ni minsan ba nakinig ka sa kanya? Hindi. Dahil tumakbo ka na kaagad. Malubay ka, Ross. Malubay ka."

"Niloko niya ako at iyon ang totoo. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi ko siya makontak. Siya ang unang lumayo, ang unang umiwas. Ilang beses ko siyang sinabihan na umiwas na kay Paul pero hindi niya ako pinakinggan. Malayo man ako pero alam kong niloloko niya ako."

"Malamang kasi may spy ka."

Tinitigan niya ako.

"Si Mae diba? Highschool pa lang tayo may gusto na sayo ang babaeng yon. Hindi mo ba naisip na gagawin niya ang lahat mapaghiwalay lang kayo ni Cyrah? Hindi magkaibigan sina Cyrah at Mae pero itong si Mae ang pilit na sumama sa circle of friends nina Cyrah. Kaya hanggat may chance na magkakatabi sina Paul at Cyrah pipicturan niya at ipapadala sayo kahit wala namang malisya. Basta't may makikita siyang pagkakataon na ikakaselos mo, ipapadala niya agad sayo. Nabrainwash ka niya Ross. Magkaibigan lang sina Cyrah at Paul. Hurting you will be the last thing Cyrah wants to do. Pinagdudahan mo ang pagmamahal mo sa kanya."

Napasandal si Ross sa kotse sa likod niya. He cupped his face with both hands and looked down.

"At pagkatapos anong ginawa mo? Nanlamig ka na lang bigla sa kanya. Idagdag pa ang history ng Tita niya."

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"I know. She knows. Cyrah figured it out. You cant underestimate her. Kaya niyang pagdugtung dugtungin ang mga pangyayari. Alam niyang natakot ka na. Duwag ka, Ross. Hindi mo siya kayang ipaglaban sa nanay mo. She doesn't deserved you."

"Aaminin ko na natakot ako. Pero hindi ko niloko si Cyrah. Hiwalay na kami noong nakilala ko si Jessica."

"At isa pa yan ha. Ano ba naman Ross, kung pipili ka naman ng ipapalit kay Cyrah, eh yung mas matalino sa kanya. Left at right nga ata nalilito ang babaeng yon. Sorry kung nakakapagsalita ako ng ganito. Nakakainis kasi."

"Minahal ko si Jessica."

"Wait. Past tense? Agad agad?"

"Mahal ko silang dalawa. Pero mas matimbang si Cyrah."

"Eh gago ka pala eh! Hindi ka pwedeng magmahal ng dalawa. Ano to? Sale? Buy one take one?"

"Aayusin ko ang lahat Kristine. Just give me another chance."

"Huwag ka sa akin humingi ng chance."

"I need your help."

"Ako? No way. Taken na ako. May partner in crime na ako. At tsaka bakit kita tutulungan? Matapos mong saktan ang damdamin ng kaibigan ko? Neknek mo!"

"Look, mahal ko si Cyrah. Gusto ko ng ayusin ang buhay ko."

"At paano si Jessica? Porque nalaman mo lang na hindi ka naman talaga niloko ni Cyrah eh iiwan mo na lang basta basta si Jessica? It's not that I care about her, it's just that manloloko ka na naman at ibig sabihin noon hindi ka na talaga papasa sa standards ko para sa kaibigan ko."

"I know you think that way pero nagkakamali ka. Nagbago na si Jessica. Kahit hindi ulit dumating sa buhay ko si Cyrah at ganito pa din ang treatment niya sa akin eh makikipaghiwalay pa din ako kay Jessica. These past few days akala ko magiging okay na kami pero hindi. Minomonitor pa din niya ang bawat galaw ko. Sinasakal niya ako. Mas malala pa siya sa Mommy ko. I loved her, yes pero hindi ko na kayang magpatuloy pa. Please Kristine, tulungan mo ako. I need her to stay with me. Makikipaghiwalay na ako kay Jessica."

"Ewan ko ba sa inyong mga lalaki. Gusto nyo lagi may reserved kayo."

"It's not like that. Hindi ko naman sila pagsasabayin. Hindi ganun. Just trust me with this one. I will never ever break her heart again."

"Ibang puso naman ang bibiyakin mo," walang gana kong sagot.

"Mas masasaktan ko si Jessica kapag pinatagal ko pa."

Napaisip ako. May point naman siya doon.

"Kung makapagsalita ka feeling mo babalikan ka pa ni Cyrah ah."

"Hindi ko alam kung babalikan pa ba niya ako o hindi na pero isa lang ang alam ko. Gusto ko siyang balikan. Pero kung hindi na talaga niya ako babalikan, I'll understand. Nasaktan ko siya. Pero isipin mo, bakit pa kami pinagtapo ulit kung hindi pala kami para sa isa't isa? Tulad ng sa reunion. Pwede naman siyang hindi makapunta pero nakaattend pa din siya."

Aba. Hopeless romantic din naman pala ang isang ito ah. Tinamaan nga ata ang gago.

"Ah iyon ba? Hindi destiny ang tawag don. Krimen ang tawag don," sabi ko habang pinipigil ko ang tawa ko.

"Krimen?"

Kumunot ang noo niya.

"Aha! Yung pictures. Ibigay mo sa akin yung pictures."

"Ano naman ang gagawin mo doon?"

"Gagayahin ko siya para hindi siya umalis."

"Hindi effective yon. Hindi nga tumalab sayo eh."

"Basta ibigay mo saken."

(end of flashback)

"At ibinigay mo naman?! Grrrr. Nagpaloko ka sa kanya. Now I understand why you're acting that way. Nabiktima ka din pala ni Ross Rodriguez."

"I'm sorry friend. Nagawa ko lang naman yun because I want you to be happy. I know you still love him kahit ilang beses mo pang ideny sa akin. Malay ko ba kung anong plano nun sa buhay niya at ganito ang nangyari. Kaya naman gulat na gulat ako nang bigla siyang nagpunta dito at dala dala ang mga maleta mo."

Dumapa ulit sa kama si Kristine at nagtaklob ng unan.

"Basta Cyrah, simula ngayon hinding hindi ka na makikipagkita sa lalaking yon. Hindi mo na siya kakausapin. Kalimutan mo na siya, okay?"

Tinanggal niya ang unan sa mukha niya. Tinitigan niya ako at tumango.

Good girl.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.